"Maging Mabuting Halimbawa sa Kapwa Kabataan" Translate to bisaya
Ang maipapayo ko sa mga kabataan na katulad ko ay gumawa ng mabuti. Sa panahon ngayon, maraming impluwensya sa paligid mabuti man o masama. Kaya mahalagang piliin nating tularan ang mga taong may magandang asal, may respeto sa kapwa, at may pangarap sa buhay. Ang paggawa ng mabuti ay makakatulong hindi lang sa ating sarili, kundi maging sa ibang kabataang nakakakita sa ating ginagawa. Kapag tayo ay gumagawa sa mabuting halimbawa, pag tulong sa mga nangingilan.Natututo tayong maging responsable, masipag, at magalang. Unti-unti tayong nagiging inspirasyon sa iba, lalo na sa mga mas bata pa sa atin. Ang simpleng pagsunod sa magulang, pagsusumikap sa pag-aaral, at paggalang sa kapwa ay mga hakbang na nagpapakita ng kabutihan na dapat tularan. Higit sa lahat, ang paggawa ng mabuti ay nagsisimula sa mga karaniwang desisyon.Piliin natin na gumawa ng mga mabuting gawain at iwasan ang masasamang gawain. Dahil ang paggawa ng masamang gawain ay pwedeng makasama at magkaproblema tayo sa huli...